Loading...
「ツール」は右上に移動しました。
993いいね 108945回再生

It’s Showtime January 10, 2025 | Full Episode

Nagwala sa kilig ang buong “It’s Showtime” studio dahil sa pagbisita ni ex-Pinoy Big Brother Gen 11 housemate Jarren Garcia. Simpleng pag-upo lang niya at pagkanta ng “Palagi,” ay, humimlay na ang puso ng bawat binibini. Sa lakas ng karisma ni Jarren, napatanong tuloy si Ogie Alcasid, “May manager ka na ba?”

Mas lalo pang kinilig ang lahat nang ibalita ni Jarren na magre-release na siya ng album soon. Ang beloved London boy, nag-sample pa ng isang linya mula sa isang kanta sa paparating na album niya.

Ano ang tawag sa dalawang isaw? Eh, di dalawaw! Nge! Hindi joke ang labanan, kundi pagalingan sa hulaan. Pero hindi mapigil ang mga hirit dahil sobrang fun ng “And The Breadwinner Is” kung saan si Klea Pineda ang taya sa pagkilatis sa tunay na breadwinner ihaw-ihaw vendor.

Teka, mukhang nakilatis na din ng ‘Showtime’ family si Norman Ben Bay, ang boyfriend ni Bela Padilla, na sinamahan siya sa studio at naki-join pa sa hulaan. In fairness kay Norman, hindi man naintindihan ang mga nangyaring kakulitan at kaguluhan, very smart ang naging input niya, na nakatulong nang malaki kay Klea. Pero, tingin n’yo, naniwala ba si Norman nang ipakilala ni Vice Ganda ang sarili bilang si Anne Curtis?

More kilig pa rin ang hatid ni Jarren na game makipagkulitan sa hosts. Si Jarren, pati na si Darren Espanto, kumasa sa ‘betamax’ challenge. “What is that?” tanong ni Jarren. Ang richest friend ni Vice Ganda na si Ogie Alcasid, first time rin kumain ng betamax. Samantala, sina MC at Lassy, nagkapikunan habang nag-aaktingan?

Natumbok ni Klea ang tamang sagot! Ang hinahanap na breadwinner ihaw-ihaw vendor ay si Breadwinnable 3, Jonel.

Naging security guard muna si Jonel. Pero nang mamayapa ang ama, napunta siya sa pagtitinda ng ihaw-ihaw at inako na ang responsibilidad sa ina at kapatid, na pinag-aaral niya ngayon sa kolehiyo. Buong puso at panahon ang inaalay niya sa pamilya dahil minsan nang nalagay sa delikadong sitwasyon ang ina. Mabuti na lang daw ay may nagpautang sa kan’ya ng pera na ginamit niya para mapagamot noon ang ina.

Ang negosyo niya, huwag ismolin, dahil sumasapat naman daw ang kita niya para makaraos sila sa araw-araw. Pero, syempre, tulad ng ibang negosyante, pangarap niya na mas mapalago pa ang ihawan niya para mas maganda rin ang kita. Dreams do come true, ‘ika nga. Dahil sagot na ng ‘Showtime’ family ang bago at mas malaking pwesto ni Jonel, na tatawaging “Jonel’s: IHAW PA RIN ANG B-B-Q.”

Entablado’y lumagablab dahil sa performances na nag-aalab. Ika’y mapapakapit sa lupit at siguradong mapapa-standing ovation ka rin sa galing ng tatlong estudyanteng kumasa sa “Resbakbakan” edition ng “Tawag Ng Tanghalan The School Showdown.”

Sabi nga ni Meme Vice Ganda, hindi siya makapaniwalang ‘resbakers’ ang tatlong contenders dahil tingin niya ay pang-grand finals ang kanilang husay. Sinimulan ni Aaliyah Geling ng St. Thomas Academy ang laban with a jazz version of “Oops… I Did It Again” ni Britney Spears.

Mala-Martin Nievera naman ang datingan ng performance ni Allan Tubola ng Divine Word College of Calapan. At tuluyang sumabog and masigabong palakpakan nang awitin ni Carmelle Collado ng King Thomas Learning Academy Inc. ang “A Change Is Gonna Come.”

Sa huli, umangat ang performance ni Carmelle na inilarawan ni Punong Hurado Louie Ocampo bilang iconic. Si Carmelle ang panalo sa araw na ito at kasama sa maghaharap-harap sa final round ng Resbakbakan bukas, Sabado.



#ShowtimeKabuganNgBoses
#ItsShowtimeFullEp
#ABSCBNEntertainment