Loading...
「ツール」は右上に移動しました。
1いいね 51回再生

MPD, QCPD station commanders sumalang sa sorpresang mandatory drug test

Sumalang sa surprised mandatory drug test ang 30 station commanders o mga Lt. Colonel ng Manila Police District at Quezon City Police District sa Camp Bagong Diwa, Taguig City.

Ipinatawag ni National Capital Region Police Office (NCRPO) Regional Director Police Major General Jonnel Estomo ang mga naturang station commander ng MPD at QCPD para isalang sa drug test upang mapatunayan sa kanilang mga tauhan na malinis at hindi gumagamit ng ipinagbabawal na droga.

Nagbabala si Estomo sa mga station commander na kapag magpositibo sa droga ay tiyak na kakasuhan at posibleng matanggal sa serbisyo.

Ayon kay Estomo, ang naturang aksyon ay bilang suporta sa internal cleansing na ginagawa ng DILG sa hanay ng kapulisan.

Sa datos ng NCRPO, 30 ang station commanders mula sa MPD at QCPD, habang 35 naman ang Substation Commander mula sa NPD, 24 sa NPD at 52 sa SPD.

Matatandaan na naunang sumalang sa surprised mandatory drug test ang mahigit sa 72 NCRPO high ranking officials kasabay ng kanilang paghahain ng courtesy resignation kung saan nag negatibo lahat sa iligal na droga.

#TunaynaTabloidista
#AbanteNews
#AbanteVideos
#AbanteTeleTabloid